Amang Ina Namin
by Joltz Meneses
Amang ina namin
Sumasalangit ka’t sumasalupa
Dinggin ang aming daing
Ang iyak ng mga nahihirapan
Iyong tinutugunan
Inang ama namin
Bigyan mo kami ng makakain
Ngayon at sa araw-araw
Bigyan mo kami ng pahintulot
Na bawiin ang lupang
Sa aming ipinagkaloob
Na inari’t inagaw ng mananakop
Ref:
Ama’t Ina namin sa iyo kami lumalapit
Humuhugot ng lakas sa pagtindig
Ina’t Ama namin sa iyo kami lumalapit
Humuhugot ng pag-asa sa pagtindig
Magulang namin maganap nawa ang iyong pangitain
Pananagumpay ng katarungan, Pag-ibig at kapayaapaan
page revision: 0, last edited: 06 Jul 2008 13:08